11/30/13

Bonifacio Sites & Sound @ 150

Paumanhin sa mga tagapagsubaybay naming banyaga at hindi marunong managalog.
Ngunit sa araw pong ito idinaraos ang ika-150 na kaarawan ng isa sa pinakamamahal
naming bayani ng bansa.
Ang siyang TUNAY at KARAPAT-DAPAT na
PAMBANSANG BAYANI at
unang PRESIDENTE ng PILIPINAS,
AMA ng HIMAGSIKAN,
si Gat Andres "SUPREMO" Bonifacio.
Kung kaya't kailangan naming magkwento at magsalaysay sa aming inang wika.
At dun sa mga hindi makaunawa at makaintindi, pasensyahan na lang po tayo!
At dahil hindi rin naman kami mga dalubhasa at mga batikang manunulat.
May mangilang-ilang pa ring salita/talatang taglish, ngayon pa lang po ay
humihingi na po kami ng dispensa at huy, ano ba...SORRY NA!
O yun, masarap maligaw sa mga kalsada ng Maynila.
Dahil mas madalas sa hindi ay mapipilitan kang maglakad at suyurin na rin
ang mga tinataguriang "Tagong Yaman" ng siyudad.

Mga yamang tulad ng mga rebulto na nagpapaalala ng kabayanihan ng isang tao
o bayani. At dahil kaarawan nga ng ating pinakamamahal na SUPREMO.
Heto ang ilan sa mga bantayog na aming nabisita at napuntahan at sa kabutihang palad
ay nakunan ng litrato para sa ikagaganda at ikaliliwanag ng ating diskusyon.

Heto bantayog ng Supremo na matatagpuan sa Tutuban Center Mall, C.M. Recto Manila.
Maugong ang balitang nasunog ang nasabing mall at masasabi kong isa ang SSM!
sa napakaraming nagaalala kung nadamay ba o hindi yung nasabing bantayog ng ating
butihing pinuno. At sa awa ng diyos ito ay hindi nadamay
at nananatiling simbolo ng katapangan at katatagan sa likod ng nasabing aksidente.
Naantala din ang aming pagbisita dahil na rin sa hindi pa ito pwedeng puntahan ng publiko
at inaapula pa ng awtoridad ang nasusunog na mga gusali at paninda.
Sa di kalayuan sa may Elcano cor. Azcarraga ay matatagpuan naman ang bantayog na ito.
At sa maniwala kayo o sa hindi e naroon ang SSM! noong una itong po binuksan sa publiko.
Masasabi nating matagal na kaming humahanga (at patuloy pa rin hanggang sa kasalukuyan) sa
kabayanihan at mga paniniwala ng nagiisa at katangi-tanging si Ka Andres.

Dumako naman tayo sa City Hall ng Maynila at kamustahing ang isa sa pinakamalaking rebulto ng
Supremo.
Sa kasamaang palad, may kalumaan na ang larawang ito at sa kasalukuyang kondisyon e naisaayos
na ang mga nawawalang piraso at hindi na rin ito ganun kalunos-lunos kung titignan mo.
ABA'Y DAPAT LANG NO!

At noong 2008 ay nagkaroon din ng isang "mobile gallery" sa lobby area ng SM City Manila.
Mas marami pa sana rito ang mga litratong nakunan namin ngunit hindi namin naiback-up ng
mabuti ang mga files namin at sino ba namang makakapagsabing bigla-bigla na lang nagsara ang
parehong FRIENDSTER at MULTIPLY. Kaya yun....ansaklap lang!

At tulad na lang ng napakaraming kabataan ng kasalukuyang henerasyon.
Naenganyo din kaming kunan ng litrato ang aming CHUCK TAYLOR na sapatos.
Na hindi rin naman nagtagal dahil JAPEYKS po ito at ipinanglusong namin noon sa baha.
Kung kaya't nag-amoy isda ito at tuluyan na ngang nasira.

At heto nga pala ang ilan sa mga larawang madalas gamitin sa mga libro at postcards.
Ipinagmamalaki at tuwang-tuwa ako sa litratong ito.
Dahil ito raw ang nagiisang larawan ni Bonifacio. Ito ay unang lumabas sa La Illustracion
Espanola Y Americana noong Pebrero 8, 1897.

Bumisita naman tayo sa lungsod ng Quezon kung saan sa harap lang ng City Hall ay naroon ang
Supremo, masigasig na bumabati sa mga empleyado at samu't-saring tao na may transaksyong
kailangang asikasuhin.
May dalawa pang bantayog na madalas naming makita ngunit hindi naman namin makunan ng litrato
sa malapitan. Yun ay ang bantayog na nasa MONUMENTO (Caloocan City).
Courtesy of
http://www.skyscrapercity.com/archive/index.php/t-431926.html
















Na inilikha ni Ginoong Guillermo E. Tolentino.Ito ay pinagsasangahan ng mga daang Samson Road,
McArthur Highway, Rizal Avenue at Epifanio de Los Santos(EDSA)

At ang isa pa'y nasa
may BALINTAWAK.
Courtesy of
http://wikimapia.org/18732130/Andres-Bonifacio-Monument













Malapit sa palengke at napapalibutan ng ebolusyon ng ating watawat.
Pareho pong may bakod ang nasabing rebulto at hanggang tanaw na lang ito sa
madla.

Maliban sa mga rebulto, maswerte rin kaming masilayan ang isa sa pinakatanyag na piyesa
ni Ginoong Carlos "Botong" Francisco.
Ito ay matatagpuan sa loob ng CITY HALL sa mismong reception area ng MAYOR NG MAYNILA.
May litrato rin kami neto ngunit hindi lang namin mahanap dahil burara kami at
maaring hindi naka-label ng mabuti ang nasabing file na aming hinahanap.
Sa susunod na lang po.

At dala na rin sa katanyagan ng nasabing gawa, hindi maiiwasan ang mga spoof version neto.
Isa na nga marahil ang nakita namin sa UNIBERSIDAD NG PILIPINAS.
Isa siyang masayahing pagsasalarawan ni Ka Andres bilang isang estudyante at alagad na rin ng sining.
At ngayon naman ay nandito na tayo sa musikang parte ng pitak na ito.
Mula sa pinakaluma,
Hanggang na nga sa pinakabago.
May ilang mga nauso kani-kanina lang sa facebook.
Gaya na lang nito,

Andres Bonifacio, atapang a tao.
A putol a paa, di dadapa
a putol a tenga, di bibingi
a putol a kamay, di papasma
a putol a ulo, di tatakbo
a putol a buhok, di kakalbo
a putol a sinturon, di huhubo
a putol a itak, di iiyak
a putol a buhay, di mamamatay

This Putol-Putol poem is purportedly a retelling of how Bonifacio was murdered by Aguinaldo’s troops led by Lazaro Macapagal, the grandfather of Gloria Arroyo. The supremo and his brother were reportedly hacked to death by fellow Katipuneros who used bayonets and bolos. During the 1935 presidential election, Manuel Quezon accused his rival Aguinaldo of ordering the execution of Bonifacio. So powerful was the propaganda that Aguinaldo even lost in Kawit, Cavite. On March 22, 1948, Aguinaldo issued a handwritten note admitting that he was responsible for the killing of Bonifacio. #Bonifacio150th


At marami pang mga TRIBUTE ART
By Apol Sta. Maria.
By Tepai Pascual.
By RH Quilantang.
By SpiderDan Geromo.
By Aaron Felizmenio.
By Carlorozy Clemente.
at samu't saring pagkilala/pagpugay na talaga namang ikinatutuwang makita at marinig ng inyong abang lingkod. At sana'y kahit hindi 150th e sana ganito kalalim ang pagmamahal natin kay SUPREMO. Dahil utang natin sa kanya ang ating kalayaan, ang pinakasimpleng magagawa na lang natin e kilalanin din ang kanyang kabayanihan at walang sawang pagmamahal sa bayan.
Hanggang sa susunod na taon. Isang masaya at makabuluhang araw po sa inyong lahat.

11/20/13

Alpha Fight

because the best fights are the ones that are fought....IN THE STREETS!
Or in abandoned temples...
either way, it's all good!

11/1/13

Hello-is-it-me-you're-looking-fortehween Havoc

Just a collection of your favorite SSM! characters all dressed up and ready to go!
Kaptain Bomba as Vivi. (Final Fantasy 9)
Oni Nadegiri as Tengu.
Bunny-Pon as Duckula.
Fronknonoy as Jack Skellington.

Dr. Hook & Manu as Captain Hook & Mr. Smee.
Mona Kiki as Mai Shiranui.
Ang Baby as Mega Man.
Lolo Deadhead+Chapel as Krang.
LIKE our page then PM us to receive your very own and rather exclusive DLC costume for Kaptain Bomba.