Ang exhibit, na kinurate ni Randy Valiente, ay nagtatampok sa orihinal na mga obra at mga ilustrasyon ng piling comic artists at illustrators mula sa iba’t ibang panahon. Narito rin ang mga piyesa mula sa private collections ni Alfredo Alcala Jr., Bambi Eloriaga-Amago, Jay Ignacio, Mickey Serafica, Damian ‘Ian’ Velasquez III, Dr. Tedi Gustilo Villasor, at Louie Villegas.
Nilalayon nito na ipamalas ang mga porsyon ng mayaman at masining na kasaysayan ng Philippine comics at ilang mga halimbawa ng mga umiiral na estilo ng komiks mula sa iba’t ibang panahon.Ang listahan ng mga dibuhista ay kinabibilangan nina: Ding Abubot, Bambi Eloriaga-Amago, Roland Amago, Lui Antonio, Ardie Aquino, Alfredo P. Alcala, Kajo Baldisimo, Mitzi Bajet, John Becaro, Jio Beltran, AJ Bernardo, Elmo Bondoc, Jun Borillo, Amado S. Castrillo, Joanah Rose Tinio Calingo, Melvin Calingo, Tony Caravana, Mel Casipit, Ernie Chan, Christine Faye Villanueva Chelaban, Francisco V. Coching (+), Karl Comendador, Alloise Al De Freed, Ched De Gala, M.A. Del Rosario, Meyo de Jesus, Jess Escalona, Rod Espinosa, Rommel Fabian, Aaron Felizmenio, Tenny Henson, Xerx Javier, Jim Jimenez, Lady Storykeeper, Jun Lofamia, Jo Luna, Derrick Macutay, Rey Macutay, Florence Maglalang, Renn Maglalang, Nestor Malgapo, Mervin Malonzo, Lan Medina, Rudy Nebres, Alex Niño, Ed Padilla, Tepai Pascual, Gener Pedrina, Bernard Kenneth Peña, RH Quilantang, Mars Ravelo (+), Francisco Redondo, Nestor Redondo, Virgilio Redondo, Amparo Roxas, Dexter Roxas, Amiel Rufo, Noah Salonga, Mar Santana, Hal Santiago, Rolly Santiago, Donato Santos, Paolo L. Simbulan, Hal Solitario, Randy Valiente, Vicatan, Rudy Villanueva, Antonio Velasquez, EV Yu, at Jon Zamar.
Bahagyang inspirasyon ng Western comic strips at comic book, ang Pinoy komiks ay unang ipinakilala noong 1920s. Nagkamit ito ng katanyagan mula 1970s hanggang 1980s. Gayunpaman, dahil sa pagpapakilala ng bagong libangan at mga hamon sa ekonomiya sa industriya ng paglalathala, bumaba nang tuluyan ang komiks. Nagkaroon ng mga pagsisikap na buhayin ang industriya ng komiks ng Pilipino sa mga nakalipas na taon, lalo na pagdating ng mga graphic novel at kanilang mga multimedia iteration, at ang muling pagkabuhay ng independent publishing initiatives.
Ang mga oras ng eksibisyon ay mula Martes hanggang Linggo, ika-10 ng umaga hanggang ika-6 ng gabi, at pinalawig hanggang ika-9 ng gabi na may mga palabas sa CCP Main Theater. Magkakaroon ng special artists reception sa Disyembre 3 (Sabado), ika-11 ng umaga, na may mga pop-up booth ng Libreriangelo, Komikon Inc., Haliya Publishing, MIXD, Chopsoy Comics, ANN Group, at Urban Sketchers Manila hanggang ika-4 ng hapon.
No comments:
Post a Comment